Huwebes, Hulyo 23, 2015

Ako yung tipo ng tao na hindi mahilig makipagsocialize. Siguro one of the reasons kung bakit ako ganito kasi nag-iisang anak lang ako that's why palagi akong mag-isa. Sa school, kanya-kanya silang partner pag may activities at ako, naiiwan mag-isa kung meron man akong kaparner either napilitan lang sila or gusto nilang ako lang yung gumawa. Ganun yung impact sa akin. Malungkot, oo pero I know naman na kahit minsan naranasan ko ring magkaroon ng kaibigan na totoo. Spoiled ako by my parents, like I said nag-iisa lang ako. Siguro sa paningin ng nakararama sasabihin nila bakit hindi na lang ako yung gumawa ng first move para magkaroon ng kaibigan? Like I said ginagawa ko rin yun pero sa huli maghihiwalay rin. Ibang landas ang tatahakin ng isa. And hindi ako sanay makipagsocialize.